Duterte, Obama at Ban Ki-Moon, hindi magkakatabi sa ASEAN gala dinner

By Kabie Aenlle September 08, 2016 - 04:50 AM

 

Obama DuterteTaliwas sa unang inanunsyo ng Malacañang na magkakatagpo pa rin sina Pangulong Rodrigo Duterte, US President Barack Obama at UN Secretary General Ban Ki-Moon, pinaghiwa-hiwalay sila ng upuan sa gala dinner ng ASEAN summit.

Base kasi sa impormasyong unang inilabas ng Palasyo, papagitnaan nina Obama at Ban si Duterte sa kanilang seating arrangement sa gala dinner.

Ngunit sa mismong event, namataang magkakahiwalay ang tatlo. Katabi ni Duterte si Russian Prime Minister Dmitri Medvedev at Indonesian President Joko Widodo.

Katabi naman ni Obama si Brunei Darussalam Sultan Hassanal Bolkiah at Vietnamese Prime Minister Nguyễn Xuân Phúc.

Si Ban naman ay nakaupo sa tabi ng kaniyang misis na si Yoo Soon-Taek.

Gayunman, ngayong araw ay inaasahang magkakaroon pa rin ng pagkakataon para magkita ang tatlo sa susunod na event ng ASEAN summit.

Matatandaang kinansela ni Obama ang nakatakda sanang pulong nila ni Duterte sa pagtatapos ng opening ng ASEAN summit.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.