Pagtatagpo Duterte, Obama at U.N Sec-Gen. Ban Ki-Moon di natuloy

duterte laos
Inquirer photo

Hindi natuloy ang naunang sinabi ng Presidential Communications Office na makakatabi sa Asean Summit gala dinner ni Pangulong Rodrigo Duterte sina U.S President Barrack Obama at United Nations Secretary General Ban Ki-Moon.

Bago pa man magsimula ang Asean-U.N meeting ay kaagad nang umalis ang pangulo sa National Convention Center.

Ang pangulo ay kakatawanin na lamang ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay para sa nasabing event.

Kasalukuyang nasa Laos Palace si Pangulong Duterte para sa courtesy call sa pangulo ng nasabing bansa.

Nauna nang inanunsyo kaninang hapon ng PCO na mapapagitnaan nina Obama at Ban ang pangulo sa gaganapin gala dinner.

Naging mainit ang isyu sa pagitan ng tatlo makaraang batikusin ni Duterte si Obama sa umano’y pakiki-alam ng U.S  sa anti-drug operations ng pamahalaan at ganun din ang U.N dahil sa pahayag ng ilan sa mga opisyal nito na iimbestigahan nila ang mga kaso ng extra judicial killings sa bansa.

Read more...