NTC aminado na inutil ang mga batas kontra sa mga palpak na telcos
Inirekomenda ng National Telecommunications Commission sa Kongreso na gumawa ng batas para maparusahan ang mga telecommunication companies na nasa likod ng mabagal na internet connection sa bansa.
Sinabi ni NTC Chief Gamaliel Cordova na isang malaking kalokohan ang batas na nilikha noong 1936 na siya pa ring ipinatutupad sa mga telcos na lumalabag sa mga regulasyon ng mga kumpanyang nagbibigay ng public service sa publiko tulad ng mga utility companies.
Sa ilalim ng nasabing batas, P200 lang ang pwede nilang ipataw na multa sa mga telcos na hindi sumusunod sa regulasyon para maiayos ang kanilang internet connections.
Inirekomenda ng opisyal na amyandahan ang batas at patawan ng P1 Million ang mga telcos na walang gagawing improvements sa kanilang sistema.
Ipinaliwanag rin ng opisyal na sakit din ng ulo ng mga telcos ang ilang mga local government units dahil umaabot daw ng halos ay tatlumpong mga permits ang kailangang kunin para lamang makapagtayo ng isa cellsite.
Aminado ang opisyal na malaki ang problemang kinakaharap ng kanilang tanggapan dahil sa nasabing mga umiiral na sistema sa kasalukuyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.