Sketch ng suspek sa Davao bombing inilabas na ng PNP

By Den Macaranas September 07, 2016 - 07:43 PM

CIDG Davao
PNP/CIDG

Inilabas na ng Davao City Police ang composite sketch ng isa sa mga suspek sa naganap na Davao City bombing noong nakalipas na Biyernes ng gabi.

Sinabi ni Police Chief Insp. Andrea Dela Cerna, Public Information Chief (PIO) ng PNP- Region 11 na galing sa mga saksi ang impormasyon kaugnay sa itsura ng mga suspek.

Hindi inalis ng suspek ang kanyang face mask at nakuha pa niyang magpamasahe sa lugar ng mga masahista sa Roxas Avenue kung saan nagana pang pagpapasabog.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ilan ang tunay na kasama ng nasabing suspek dahil may mga lumabas na ulat na may kasama rin itong dalawang babae.

Nauna nang nagsabi ni Davao City Mayor Sarah Duterte na magbibigay siya ng P2 Million sa sinumang makakapagturo sa mga nasa likod ng nasabing pambobomba.

TAGS: CIDG, davao blast, PNP, CIDG, davao blast, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.