Status Quo Ante Order sa Marcos burial, pinalawig ng Korte Suprema
Pinalawig ng Korte Suprema ang Status Quo Ante Order na ibig sabihin ay walang mangyayaring paglilibing sa mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa loob ng ilan pang linggo.
Sa pagtatapos ng oral arguments sa pinagsamang petisyon laban sa Marcos burial, extended ang utos ng Supreme Cout hanggang October 18.
Ang unang SQAO na inilabas noong August 23 at tatagal ng dalawampung araw ay nakatakdang matapos sa September 13. Wala namang dahilan na ibinigay ang SC sa extension na inanunsyo ng Public Information Office sa pagtatapos ng oral arguments.
Bago nito, sinabi ni Solicitor Generla Jose Calida na pansamantalang itinakda ang paglilibing sa September 18, isang linggo makalipas ang magiging 99th birthday ni Marcos sa September 11.
Nagsagawa ang korte ng dalawang rounds ng oral arguments para dinggin ang mga petisyon laban sa paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani gayundin ang posisyon ng gobyerno na suportado ito.
Excerpt:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.