Matapos ang tatlong buwan, Taylor Swift at Tom Hiddleston, hiwalay na

By Doma Dominguez-Cargullo September 07, 2016 - 11:19 AM

taylor swiftMatapos na mag-viral ang mga sweet na sweet nilang larawan, kumpirmadong hiwalay na ang singer na si Taylor Swift at si Tom Hiddleston na tanyag sa kaniyang role bilang “Loki” sa Avengers.

Amicable umano o napagkasunduan ng dalawa ang naganap na hiwalayan matapos ang tatlong buwan nilang relasyon.

Hindi naman masabi ng malalapit sa dalawa kung ano ang dahilan ng kanilang break-up.

Pero ayon sa ilang source, si Taylor ang nagpasyang wakasan ang relasyon dahil gusto umano ni Tom ng gawing mas hayag sa publiko ang kanilang pagmamahalan.

Mayroon ding ilang nagsasabi na napagod na si Tom sa pagtrato sa kaniyang tila escort ng singer.

Sa kaniyang Instagram account, binura na ni Taylor ang lahat ng larawan nila ni Tom na magkasama.

 

 

TAGS: Taylor Swift and Tom Hiddleston ends 3-month relationship, Taylor Swift and Tom Hiddleston ends 3-month relationship

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.