DepEd, humihingi ng dagdag na police visibility sa mga paaralan, dahil sa sunod-sunod na bomb scare
Dahil sa sunod-sunod na bomb scare sa mga paaralan hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa mga lalawigan, naiistorbo na ang klase ng mga mag-aaral.
Kaugnay nito, umapela ang Department of Education (DepEd) sa Philippine National Police (PNP) na magdagdag ng police visibility sa mga paaralan.
Sa statement ng DepEd, bagaman ang mga bomb scare ay pawang nagnenegatibo at lumilitaw na panloloko o pananakot lamang, mabuting magdagdag pa rin ng seguridad sa mga eskwelahan.
Pinaalalahanan din ng DepEd ang mga school official na paigtingin ang seguridad at mas maging mapagmatyag para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at mga staff.
“While the said bomb threats turned out to be a hoax, we reiterate our call for police visibility near the schools. We also remind our school officials to intensify security and be extra vigilant to ensure the safety of our teachers, students, and personnel,” ayon sa DepEd.
Hinikayat din ng DepEd ang agad na pagrereport sa pulis ng impormasyon hinggil sa mga banta ng pagpapasabog sa halip na ikalat pa ito sa pamamagitan ng social media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.