Dalawang babae, kinasuhan dahil sa bomb joke sa Davao mall
Sinampahan ng kaso ang dalawang babae dahil lamang sa pagbibiro nila na mayroong bomba sa kanilang bag nang sila ay pumasok sa dalawang magkaibang mall sa Davao.
Mahigpit ang ipinatutupad sa buong rehiyon ng Davao matapos ang naganap na pagsabog noong Biyernes ng gabi sa Davao City night market.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Region 11 Director Chief Supt. Manuel Gaerlan, pormal nang kinasuhan kahapona ng isang 18 anyos na babaeng tinukoy lamang sa pangalanang “Isabela” at ang isa pa na kinilalang si Montesa Dublas.
Ang dalawa ay kapwa nag-joke na may bomba sa kanilag gamit habang iniinspeksyon ng gwardya sa magkahiwalay na mall sa Davao.
Agad tumawag sa 911 ang mga gwardya at hinold ang dalawang babae.
Kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 o anti-bomb joke ang isinampa laban sa dalawa na may katumbas na multang hindi hihigit sa P40,000 o pagkakakulong na hindi lalagpas sa limang taon.
Paalala ni Gaerlan, hindi dapat ginagawang biro ang bomba.
Kahapon ay pitong bomb scare din ang natanggap ng pitong magkakaibang paaralan sa Davao dahilan para makansela ang mga klase.
Ani Gaerlan, ang ibang gusto lamang manggulo sa gobyerno ay sumasakay sa kasaluyang sitwasyon at nagpapadala ng mga mensahe ng pananakot.
Payo ni Gaerlan sa publiko, huwag magpasindak sa mga terorista at manatiling maging mapagmatyag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.