1 sa 4 na persons of interest sa Davao bombing, ituturing na principal suspect

By Dona Dominguez-Cargullo September 07, 2016 - 08:47 AM

Mula sa Twitter acct. ni Fr. Jbhoy Gonzales SJ
Mula sa Twitter acct. ni Fr. Jbhoy Gonzales SJ

Posibleng gawing pangunahing suspek na ang isa sa apat na persons of interest sa naganap na pagpapasabog Davao City night market noong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Region 11 Director Chief Supt. Manuel Gaerlan, magsasagawa sila ng panibagong case conference ngayong araw para pagpasyahan ang pag-elavate sa isa sa mgaa persons of interest bilang suspek.

Kung pagbabatayan kasi aniya ang pahayag ng mga testigo, mabigat ang partisipasyon ng isa sa apat na persons of interest na isang lalaki.

“’Yung isa sa mga persons of interest, most probably we will elevate into suspect. Apat ang persons of interest, at isa sa kanila ang mabigat-bigat batay sa statement ng mga testigo,” sinabi ni Gaerlan sa panayam ng Radyo Inquirer.

Paliwanag ni Gaerlan, ang nasabing lalaki ang itinuturo na nagpamasahe umano sa loob ng tatlumpung minute bago ito umalis at iniwan ang isang bag.

Tinangka pa umanong ihabol sa nasabing lalaki ang kaniyang bag pero dire-diretso itong umalis at makalipas ang ilang minuto, naganap na ang pagsabog.

Sinabi ni Gaerlan na ngayong araw, iaanunsyo nila ang update sa kaso partikular ang pagturing sa nasabing lalaki bilang principal suspect.

Para naman hindi mabalam ang gagawing follow up operations, hindi muna siya papangalanan ng PNP.

TAGS: Davao bombing, Davao bombing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.