2 pang ASG members, patay sa engkwentro sa Sulu
Pumalo na sa 32 ang kabuuang bilang ng mga Abu Sayaff na napapatay ng militar sa nagpapatuloy na labanan sa Patikul, Sulu
Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brig. Gen. Arnel dela Vega, dalawa ang nadagdag na nasawi sa panig ng ASG matapos ang panibagong engkwentro na naganap kahapon.
Ayon kay Dela Vega, nakasagupa ng pinagsanib na pwersa ng 35th Infantry Battalion at 21st Infantry Battalion ang nasa 30 miyemrbo ng ASG habang umaatras ang mga bandido na tinutugis naman ng 45th Infantry Battalion na una nilang nakasagupa.
Namataan umano ng mga sibilyan na buhat-buhat ng mga kasamahang ASG ang labi ng dalawa para ilibing.
Wala naman nalagas o nasugatan sa panig ng military.
Pinangungunahan umano ng dalawang sub commander ang nakasagupa ng militar na nakilalang sina Jamiri Jaong Jawhari at Basaron Arok.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.