Sa pahayag, sinabi ni Clinton na tama ang naging desisyon ni Obama na huwag na lang ituloy ang pakikipagpulong kay Duterte.
Ayon kay Clinton, nang insultuhin ni Duterte si Obama, wala nang ibang nararapat gawin kundi ang kanselahin ang nakatakda sanang bilateral talks.
Sinabi ni Clinton na dati ring secretary of state ng US, kung ang dalawang lider ng bansa ay magkikita o magpupulong marapat lang na may mga isyung nakahanda para mailahad sa gagawing pag-uusap.
Malinaw aniyang nais ni Obama na ilahad kay Duterte ang concern ng nakararami hinggil sa extrajudicial killings sa Pilipinas.
Itinuturing naman ni Clinton na “appropriate” o nararapat ang ginawa ni Duterte na paghahayag ng pagsisisi sa kaniyang mga binitiwang mabibigat na salita laban kay Obama