Manny Pacquiao, natawa lang sa ulat na naghihirap na siya

By Kabie Aenlle September 07, 2016 - 04:20 AM

 

Inquirer file photo

Tinawanan lang ni Pambansang Kamao at Sen. Manny Pacquiao ang mga balitang lumalabas na siya ay naghihirap na kaya siya magbabalik sa boxing.

Ayon kay Pacquiao, hindi naman sa pagmamayabang pero noong siya pa ay nasa Kamara, siya ang pinakamayamang kongresista base sa statement of assets, liabilities and networth (SALN) noong 2015.

Sa kaniyang 2015 SALN, nakapagtala ng P3.268 billion na net worth si Pacquiao.

Aminado naman ang senador na ang isyung siya ay naghihirap na ay bagaman nakakatawa, unti-unti na rin niyang kinaiinisan.

Paliwanag niya,may mga kinikita siya sa mga investments niya at mga negosyo kaya alam niyang hindi pa sila magugutom ng kanilang pamilya sa mga nalalabi pa nilang buhay.

Iginiit ni Pacquiao na ang dahilan kung bakit siya babalik sa ring ay dahil ito na ang kaniyang naging buhay at hindi niya ito basta na lang kayang iwanan.

Naniniwala aniya kasi siya na kaya naman niyang pagsabayin ang boksing at ang paglilingkod sa bayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.