Duterte sa Abu Sayyaf: Kakainin ko kayo ng buhay

By Jay Dones September 07, 2016 - 04:31 AM

 

Inquirer file photo

‘I will eat you alive’.

Ito ang banta na binitiwan ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga bandidong Abu Sayyaf Group sa harap ng mga Pinoy na sumalubong sa kanya sa Vientiane, Laos habang siya ay dumadalo sa ASEAN Summit.

Sa kanyang talumpati sa Filipino Community sa Feungar Convention center nitong Lunes, sinabi ni Pangulong Duterte na kung ipagpapatuloy ng Abu Sayyaf ang mga pambobomba, suka at asin lamang ang katapat ng mga ito at kaya niyang ‘iulam’ ang mga ito ng buhay.

Dagdag pa ni Duterte, wala nang pag-asa pa na magbago ang mga bandidong grupo kaya’t dapat na silang ubusin.

Umani naman ng palakpakan sa mga dumalo sa okasyon ang pahayag ni Duterte.

Si Duterte ay nasa Vientiane Laos, at dumadalo sa ASEAN summit.

Kabilang sa kanyang itinerary ay ang bumisita sa mga Filipino Community sa naturang bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.