Pagpapaliban sa SK at barangay elections, lusot na sa 2nd reading

By Isa Avendaño-Umali September 07, 2016 - 04:26 AM

 

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Aprubado na ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill 3504 na nagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Pero bago ito, sa sponsorship nina House Committee on Suffrage and Electoral Reforms chairman Sherwin Tugna, hiniling nito sa Kamara na pagtibayin na nagpapaliban ng SK at barangay elections, matapos makalusot sa committee level.

Ayon kay Tugna, praktikal na ipagpaliban ang SK at barangay elections dahil sa maraming konsiderasyon.

Kabilang na dito ang pahayag ni Commission on Elections (COMELEC) chairman Andres Bautista na dumaranas na ng election fatigue ang mga Pilipino dahil sa sunod sunod na halalan.

Masyado rin umanong magastos para sa pamahalaan kung itutuloy ito ngayong taon samantalang katatapos lamang ng halalang pangpanguluhan nitong Mayo.

Sa ilalim ng house bill, inililipat ang petsa ng SK at barangay elections sa ikaapat na Lunes ng October 2017, pero matapos ito..ang mga susunod ng SK at barangay elections ay idaraos na tuwing ikalawang linggo ng Mayo.

Mayroon din itong hold over provision para manatili muna sa kanilang posisyon ang lahat ng kasalukuyang barangay officials hanggang sa maidaos ang eleksiyon sa susunod na taon.

Nasa pitong kongresista ang sumalang sa interpelasyon na tumagal ng dalawang oras, at inabot ng hanggang sa alas-9:00 ng gabi ang pagboto sa panukala sa 2nd reading.

Inaasahan ang 3rd reading approval sa susunod na linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.