Publiko pinakakalma ng PNP sa gitna ng mga bomb threats

By Ruel Perez September 06, 2016 - 07:28 PM

NCRPO-ncrpo.pnp_.gov_.ph_
Inquirer file photo

Umapela ang pamunuan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa publiko na maging kalmado sa harap ng sunod sunod at kabi kabilang mga bomb threat  dito sa Metro Manila.

Sa kabila nito ay sinabi ni NCRPO acting Director C/Supt. Oscar Albayalde na ahat ng mga bomb threat ay dapat kaagad na ipagbigay alam sa otoridad at hindi ipinagwawalang bahala.

Giit ni Albayalde, kapag may nakitang kahina hinala o suspetyosong bagay ay huwag itong galawin, lumayo sa area at ireport agad sa mga pulis para masuri.

Kasabay ng apela, nagbabala naman si Albayalde sa mga nanakot o nagpapakalat ng bomb threat na hindi ito biro dahil maaring makulong hanggang anim na taon ang gumagawa nito.

Kabilang sa mga nakatanggap ng bomb threat ay ang ilang mga paaralan, government offices at mga private companies sa ilang lugar sa Metro Manila.

TAGS: abayalde, Bomb threat, NCRPO, abayalde, Bomb threat, NCRPO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.