2 drug pushers patay sa anti-drug operation sa Mandaluyong City

By Alvin Barcelona September 06, 2016 - 04:11 PM

Mandaluyong drugs
Photo: Alvin Barcelona

Dalawa ang patay habang tatlo ang arestado sa anti drug operation ng pinagsamang operatiba ng Mandaluyong City Police at Eastern Police District anti illegal drugs unit sa Mandaluyong City.

Sinalakay ng mga otoridad ang isang drug den sa isang squatter’s area sa Block 37 Barangay Addition Hills.

Dead on arrival sa Mandaluyong Medical Hospital ang suspek na si Joselito Aldon, alyas “Pepe Smith” at dead on the spot naman si Joselito Gonzales Ignacio.

Kinilala naman ang mga naaresto na sina Rj Corpuz, Allan Calimlim at Manuel Rosa Garon.

Ayon kay Brgy. Addition Hills Chairman Kent Paminian, ang sinalakay na lugar ay kilalang bentahan ng iligal na droga.

Kinumpirma rin ng opisyal na nauna na nilang naging subject sa Oplan Tokhang ang mga napatay na suspek.

TAGS: Addition Hills, Illegal Drugs, Mandaluyong, Addition Hills, Illegal Drugs, Mandaluyong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.