Pagpapaliban sa Brgy. at SK elections lusot na sa committee level sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali September 06, 2016 - 03:20 PM

Brgy SK Comm
Photo: Isa Umali

Pinagtibay na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections na nakatakda sana sa October 31, 2016.

Dumalo sa pagdinig ng lupon na pinamumunuan ni CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna ang mga imbitadong resource persons sa pangunguna si Commision on Elections o Comelec Chairman Andres Bautista.

Labing tatlong House Bills ang inihain sa Kamara na nagsusulong na i-postpone ang Barangay at SK polls.

Ayon kay Caloocan City Rep. Edgar Erice, isa sa authors ng Barangay at SK elections postponement, hindi pa lumalamig ang init ng nakaraang 2016 Presidential elections.

Magiging counter productive aniya kung itutuloy ang halalang pambarangay at SK.

Binanggit naman ni Chairman Bautista na inihinto muna ng Comelec ang preperasyon para sa Barangay at SK  elections nang kapwa magpanukala ang Senado at Kamara ng postponement.

Gayunman, nakagastos na raw ang Comelec ng 200 million pesos para sa registration at kapag napagpaliban ang halalan ay kailangang magkaroon muli sila ng bagong registration.

 

Sang-ayon naman ang Liga ng mga Barangay sa postponement ng Barangay at SK elections.

 

Pero kung may pabor, hindi mawawala ang mga tutol gaya ng IPER, na pinamumuan ng political analyst na si Professor Ramon Casiple.

TAGS: baranggay, comelec, sk elections, baranggay, comelec, sk elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.