24/7 hotline ng DOLE, binuksan na

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Pinangunahan ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III ang pagbubukas ng 24/7 call center hotline ng kagawaran.

Ayon kay Bello, mayroon silang sampung telepono at computer set na tatauhan ng 40 kawani sa loob ng 24 oras.

Tutugunan ng nasabing call center ang mga reklamo at sumbong ng mga empleyado laban sa mga mapang-abusong mga employer.

Bukod dito, ang may mga sumbong ukol sa illegal recruitment, child labor at endo ay tatanggapin din ng call center.

Sinabi ni Bello na maari ding tumawag ang sinuman para sa kanilang katanungan ukol sa local and overseas employment opportunities, karapatan at benepisyo ng mga empleyado, working condition, pasahod, labor relations at post employment issues.

Ang mga may katanungan at reklamo ay maaring tumawag sa 24/7 hotline na 1349 para sa Metro Manila, 1800-8888-1349 para sa mga nasa mga lalawigan at 800-8888-1349 para sa mga nasa ibang bansa toll free.

Ang 24/7 action center ay nasa ikaapat na palapag ng gusali ng DOLE sa Intramurous, Maynila at may kakayahan na ma-track on-time ang status ng mga reklamo.

 

Read more...