Sept. 12 pormal nang idineklarang holiday ng Malakanyang para sa Eid’l Adha

By Dona Dominguez-Cargullo September 06, 2016 - 11:17 AM

Eid'l AdhaPormal nang idineklara ng Malakanyang na isang regular holiday ang September 12, bilang paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Sa proclamation number 56 na nilagdaan ni Executive Sec. Salvador Medialdea, idinedeklarang regular holiday sa buong bansa ang September 12, araw ng Lunes.

Ito ay matapos na irekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos ang nasabing petsa para isagawa ang obserbasyon sa Eid’l Adha,

Nangangahulugan ito ng long weekend para sa mga mag-aaral at mga manggagawa.

Una nang idineklara din sa Saudi Arabia na September 12 pumatak ang unang araw ng kanilang Feast of Sacrifice.

 

 

 

TAGS: Eid'l Adha, Eid'l Adha

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.