Ayon sa grupong Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN, sa magaganap sanang pulong, ilalahad lang naman ng US ang concern nito sa isyu ng human rights sa Pilipinas at saka babaling naman sa usapin ng West Philippine Sea.
Sinabi ng grupo na kung sakaling natuloy ang pulong, tanging ang neo-colonial interests lamang ng Estados Unidos ang mamamayani.
Ito rin ang unang pagkakataon ayon sa grupong BAYAN na may presidente ng Pilipinas na nagkaroon ng lakas ng loob na tanggihan at hindi payagan ang US intervention.
Umaasa naman ang grupo na ang paninindigang ito ni Duterte ay magreresulta sa pagbasura na sa iba pang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at US gaya ng VFA at EDCA.
“For the first time in forever, a Philippine president has the backbone to reject US intervention. We hope this assertion extends to terminating unequal agreements such as the VFA and EDCA. We hope his assertion of sovereignty extends to ending the US Balikatan war games,” ayon sa pahayag ng grupong BAYAN.
Dagdag pa ng grupo, maari namang i-promote ni Pangulong Duterte ang interest ng Pilipinas sa West Philippine Sea laban sa china nang hindi sumasandal sa Estados Unidos.
Kaya din aniya ng Pilipinas na resolbahin ang problema sa mga terorista nang hindi nanghihimasok ang US sa isyu.