Diesel at kerosene, may ₱0.35-₱0.50 na rollback sa presyo ngayong araw
Nag-anunsyo ang iba’t ibang kumpanya ng langis ng pagkaltas sa presyo sa kanilang produktong diesel at kerosene.
Epektibo alas-sais ng umaga, may kaltas na ₱0.50 ang Total, Petron, PTT, Unioil, Eastern Petoleum, Phoenix, Caltex at Shell sa kanilang diesel.
Magkakaroon naman ng ₱0.35 na bawas sa presyo ng kerosene ang Petron, Caltex at Shell.
Simula naman kanina pang 12:01 ng hatinggabi ay ipinatupad na ng Flying V ang kaltas sa presyo ng kanilang diesel at kerosene, sa parehong halaga.
Ang nasabing rollback sa presyo ng diesel at kerosene ay bunsod na rin ng paggalaw sa presyo sa pandaigdigang merkado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.