Proklamasyon ng state of national emergency, nilagdaan ni Duterte

By Kabie Aenlle September 06, 2016 - 12:25 AM

duterteNilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang proklamasyon na nagde-deklara ng state of national emergency on account of lawless violence.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, pinirmahan ito ni Pangulong Duterte ilang saglit bago siya umalis patungong Laos para dumalo sa Association of the Southeast Asian Nations Summit (ASEAN).

Ipinaliwanag ni Medialdea na terorismo ang dahilan kung bakit kailangan ng ganitong proklamasyon.

Aniya, ang mga terorismong tulad ng kidnappings at pamumugot ng ulo, pati na ang pagpapasabog sa Davao ang pangunahing rason kung bakit nilagdaan ang proklamasyon.

Ayon pa kay Medialdea, ipapatupad ng pangulo ang nasabing proklamasyon hangga’t kinakailangan.

Noong Sabado lamang ay nagdeklara ng state of lawlessness si Pangulong Duterte, ilang oras matapos ang pagpapasabog sa Davao na ikinasawi ng 14 katao at ikinasugat ng mahigit 60 na iba pa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.