Kapalaran ni Mary Jane Veloso sa Indonesia tatanggapin ni Duterte

By Chona Yu September 05, 2016 - 08:23 PM

mary-jane-veloso
Inquirer file photo

Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na tanggapin ang magiging desisyon ng Indonesian government kung itutuloy ng Indonesia ang firing squad kay Mary Jane Veloso, ang Filipina na nahatulan ng kamatayan dahil sa kaso ng ilegal ng droga.

Sa departure statement ng pangulo sa Davao International Airport bago magtungo sa Laos para sa ASEAN Summit, sinabi nito na makikipag usap siya kay Indonesian President Joko Widodo sa pinakamagalang na pamamaraan para para mailigtas sa kamatayan si Veloso.

Paliwanag ni Duterte, may tiwala siya sa Judicial System ng Indonesia.

Kung itutuloy man aniya ng Indonesian government ang firing squad kay Veloso, magpapasalamat pa rin siya kay Widodo dahil sa naging maayos na pagtrato sa kanya.

Matatandaang noong Abril pa sana nakatakdang i-firing squad si Veloso subalit ipinagpaliban ito matapos iapela ng dating Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang kaso matapos maaresto ang kanyang mga illegal recruter na sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao.

Isa rin sa inaalala ng pangulo na kapag ipinilit niya ang kaso ni Veloso ay baka dagsain din siya ng kaparehong apela ng mga Filipino na nahaharap sa iba’t ibang kaso sa ibang bansa.

TAGS: duterte, indonesia, l, mary jane veloso, duterte, indonesia, l, mary jane veloso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.