2 patay, maraming iba pa nawawala sa gumuhong gusali sa Israel

tel aviv collapse
AP

(Developing) Dalawa na ang kumpirmadong patay, labing-walo ang sugatan at maraming iba pa ang nawawala makaraang gumuho ang isang multi-storey carpark sa Tel Aviv Israel.

Sa ulat ng kanilang Interior Ministry, gumuho ang nasabing gusali na matatagpuan sa commercial district ng Ramat hahayil.

Bago gumuho ang naturang carpark ay naunang bumagsak dito ang isang malaking crane na ginagamit sa construction ng katabing gusali.

Nagmamadali ang mga rescuers sa paghugot ng mga taong nadaganan ng mga debris.

Ang Ramat Hahayil ay isa sa lugar sa Tel Aviv kung saan naka-sentro ang ilang mga business establishments.

Read more...