DOH may scholarship program sa mga katutubong gustong maging duktor at nurse

By Chona Yu September 05, 2016 - 04:52 PM

Ubial-DOH
Photo: Chona Yu

Nag-aalok ng scholarship program ang Department of Health sa indigenous people na gustong maging duktor nurse o midwife.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Health Sec. Pauline Gene Ubial na ito ay para matugunan ang kakulangan ng pilipinas na 35,000 na karagadagang mga duktor at medical professionals.

Ayon kay Ubial, mayroong limang state universities at colleges ang Pilipinas na nag-aalok ng kursong medicine.

Isa rin sa pinag-aaralan ngayon ng DOH ay ang makipag- ugnayan sa mga state universities at colleges para obligahin ang mga doktor na magsilbi muna sa mga malalayong lugar bago makapag practice ng kani kanilang specialization o ibang field of interests.

Hinimok rin ng opisyal ang mga katutubo na samantalahin ang magandang pagkakataon na ito na ibibigay sa kanila ng pamahalaan.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na prayoridad niyang mabigyan ng pagkakaraon na makapag-aral ang kapos sa kabuhayan sa bansa.

TAGS: doctor, doh, ip, Nurse, ubial, doctor, doh, ip, Nurse, ubial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.