Pagpapaliban sa Brgy. at SK elections tutuldukan na sa House Committee sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali September 05, 2016 - 04:49 PM

House of RepresentativesNakatakdang aprubahan ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniaang Kabataan o SK elections.

Ayon kay CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna, chairman ng lupon, hindi sila mahihirapan na ipasa ang panukala at tiyak na agad na mai-aakyat ito sa House plenary.

Kabi-kabila ang House Bills para pagpapaliban ng Barangay at SK polls, pero sa House Bill 3384 nina House Speaker Pantaleon Alvarez ay nililinaw na magiging hold-over capacity ang lahat ng barangay officials hanggang sa maidaos ang halalan sa October 23, 2017.

Sa isang statement naman ng liderato ng Kamara na binasa ni House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa isang press conference, iginiit nito ang pagsusulong ni Speaker Alvarez na buwagin na ang SK at Barangay Councils dahil sayang lamang daw ang P24 Billion kada taon na ginugugol dito.

Maliban dito, ang mga kabataan na nahahalal sa SK ay hindi naman nakakatutok sa trabaho dahil nasasabayan ng pag-aaral.

Hindi na rin aniya kailangan ang SK dahil well-represented na ang mga kabataan sa Kongreso habang ang mga proyekto ng SK ay limitado lamang sa pagpapagawa ng basketball courts.

Ipinaliwanag rin sa Kamara na mas maagang nasasangkot sa katiwalian ang ilang mga kabataan na nagiging aktibo sa pulitika sa kanilang murang edad.

TAGS: 17th congress, Arroyo, baranggay, House, sk elections, 17th congress, Arroyo, baranggay, House, sk elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.