CGMA: Marcos dapat noon pa nailibing sa Libingan ng mga Bayani

CGMA1
Photo: Isa Umali

Sang-ayon si dating Pangulo at ngayo’y House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na maihimlay na si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay CGMA, pabor siya sa hero’s burial para kay  Marcos gaya ng posisyon ng iba pang lider ng Mababang Kapulungan.

Sa katunayan, sinabi ni CGMA na noon pa man ay pabor na siyang maipalibing sa LNMB ang dating Presidente Marcos.

Mababatid na lumagda rin siya ng mga resolusyon noong nakaraang Kongreso para sa Marcos burial sa LNMB.

Sa ngayon ay hinihintay pa ang desisyon ng Supreme Court sa isyu ng pagpapalibing kay Marcos sa LNMB matapos ang inilabas na status quo ante order, bunsod na rin ng mga petisyong inihain kontra sa nasabing hero’s burial.

Naniniwala rin si Arroyo na panahon na para ilibing ang mga hindi pagkakaunawaan sa isyu ng paglilibing kay Marcos.

Read more...