“Paano magiging happy sa work?” sa PROBLEMA LANG ‘YAN ni BRENDA DOMATO
Ang mga empleyado daw sa mga government offices ang itinuturing na pinaka-masayang mga manggagawa.
Yan ay ayon sa 2016 Happiness Index Report ng Jobstreet.com na ginawa noong Hulyo.
Kasunod ng mga Pilipino ang Indonesians, Thais at Singaporean.
Pero ang tanong ng marami ay paano nga ba magiging masaya sa trabaho man o sa buhay ?
May mga nagsasabi nga – “happiness is a matter of choice …” ibig sabihin, ikaw ang may hawak ng iyong kaligayahan, ng iyong happiness.
Isang artikulo sa Time magazine ang nagsasabi na nakukuha sa “practice” para maging masaya sa iyong trabaho. Kasama siyempre dyan ang pag-uugali at pag-iisip.
Batay naman sa isang lathalain ng Forbes magazine, 50% ng happiness (would you believe) ay “genetics” o namamana at ang nalalabi ay nasa ating sarili na rin.
Ang tanong ng marami paano nga ba magiging happy sa trabaho?
Gumising ng naka-smile. Kung sa pag-gising pa lang daw sa umaga ay nakangiti ka na, dala-dala mo na yan sa buong araw. Mahalagang simulan ang araw ng tama gaya ng pag-gawa ng mga bagay na nagpapa-good mood. Kasama dyan ang paghigop ng paboritong mong kape at pag-kain ng tama sa umaga.
Laging magpasalamat. Maliit man o malaking pabor sa kung sinuman – mahalaga ang taos pusong pasalamat para good vibes everyday. Pagdilat pa lang daw sa umaga, bago simulan ang araw – say “Thank You” kahit wala lang.
Matutong mag-let go at mag-move on. Huwag gayahin ang “EDSA” – dahil ang Edsa na lang ang hindi nakaka-move on. Magiging lubos lang daw kasi ang kaligayahan mo kung matututo kang kalimutan ang mapait na nakaraan at isipin na lang ang magandang mangyayari sa kinabukasan. Dapat na matututong magpatawad para madaling maka-move on.
Give compliments. Mahalaga rin para sa iba kung bibigyan mo sila ng papuri. Yung totoong papuri. Kung may nagawa ang iba – kaibigan man o kasamahan sa trabaho, mahalaga ang magandang papuri dahil ito rin ang nagpapa-good vibes sa kanila. Siyempre, i-compliment rin ang sarili “for a job well done.”
Tulungan ang iba. Saan mang kompanya, huwag isipin na nag-iisa ka. Nagagawa ang maraming bagay sa pamamagitan ng tulong ng iba. Huwag magpaka-hero para lamang magpa-impress sa boss. Huwag rin magpanggap na alam mo lahat. Tandaan na mahalaga ang tulong ng iba at mahalaga rin na tulungan ang iba.
Reward para sa sarili. Madalas na trabaho lang tayo ng trabaho at nakakalimutan na natin ang sarili. Naiintindihan ko na para yan sa kinabukasan ng pamilya, pero mahalaga rin daw na kahit paminsan-minsan ay may “reward” sa sarili. Hindi naman kailangang bonggang-bongga, yung simpleng panonood ng sine. Pag-gimik kasama ang tropa o kaya naman ay pag-kain ng paboritong pagkain ay paraan na para i-reward ang sarili.
Iwasan ang tsismis at paghuhusga. Pansinin ang mga ka-trabaho na mahilig manghusga, siya rin ang mahilig sa tsismis. Ang ganyang pag-uugali daw ay senyales na hindi siya maligaya sa buhay, sa pamilya man o sa sarili. Maaari daw itulad ang gossip sa isang pagkain na ubod ng sarap pero masama ang epekto sa katawan.
Huwag ikumpara ang sarili sa iba. Sa bilis kasi ng takbo ng buhay, marami ang nag-aambisyon na tumaas ang posisyon, ang sweldo o anumang nais. Dito rin nagsisimula ang inggit at ang galit. Kung hindi happy sa trabaho, maaaring hindi ito para sa iyo kaya mahalagang buksan ang iyong opsyon sa ibang oportunidad.
Be yourself. Sa halip daw na magpanggap, at mas mabuting magpaka-totoo ka.
At ang palagian nating sinasabi, para maging masaya at pumasok ang swerti, good vibes lang palagi at iwasan na maging negastar.
Pakinggan ang ating programang Warrior Angel sa Radyo Inquirer, DZIQ 990am tuwing sabado 8:00-9:00 am.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.