Pagtatapos ng krisis sa INC, hangad ng CBCP

July 25, 2015 - 08:35 PM

iglesia-ni-cristoHangad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na matapos sa lalong madaling panahon ang krisis sa Iglesia ni Cristo (INC).

Sinabi ni CBCP president at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na hangad ng mga kaparian na matapos na ang anumang kaguluhan o krisis sa loob ng INC.

Aniya, bagamat magkaiba ang relihiyon, naniniwala siyang iisa naman ang Diyos na pinaniniwalaan at pinaglilingkuran ng Simbahang Katolika at ng INC.

Ayon kay Villegas, ang anumang desisyon ng INC sa pagtiwalag sa kanilang mga kasamahan ay isang bagay na nasa poder ng pamunuan ng sekta ng relihiyon.

Nitong Huwebes ay nagulat ang publiko nang itiwalag ni Eduardo V. Manalo, Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC ang kanyang sariling ina at mga kapatid sa gitna ng alegasyon ng katiwalian at pagdukot sa ilang mga ministro.

Sa ngayon ay kailangan aniyang tiyakin din ng Pambansang Pulisya ang kaligtasan ng mga nasasangkot upang huwag ng lumala pa ang sigalot.

Nanawagan din ito sa kapulisan na tiyakin ang kaligtasan ng mga nasasangkot upang ‘wag nang lumala ang sigalot./Gina Salcedo

TAGS: CBCP, INC, krisis, villegas, CBCP, INC, krisis, villegas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.