“Itaga mo sa Bato” text hotline kontra krimen, pormal nang inilunsad ng PNP

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Pumirma na sa isang kasunduan o memorandum of agreement (MOA) ang Philippine National Police (PNP) at ang dalawang telecommunications company, Lunes ng umaga sa Camp Crame.

Pinangunahan ni PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa ang pagpirma sa kasunduan kasama ang mga kinatawan ng dalawang telcos para sa paggamit ng police quick response hotline na 2286.

Kuha ni Ruel Perez

Kasabay nito ang unveiling ng marker na literal na may bato at itak na nagpapakita ng pagtaga ng isang itak sa isang malaking bato.

Para sa panlaban sa krimen, maaring mag-text ng kanilang mga concerns ang publiko sa nabanggit 2286 pero may P2.50 na charge ang kada text.

Mayroon din itong feature na “auto call” kapag emergency.

Kasama sa programa ang Federation of Chinese Chamber of Commerce and Industry na nag-donate din ng mga desktop computers at sumusuporta dito sa programa.

Maliban sa 2286 maari ding gamitin ang 911 para sa paghingi ng assistance kapag may emergency para sa mabilis na pagtugon sa krimen at pagsugpo ng ilegal na droga.

 

Read more...