Davao City police chief at pinuno ng Task Force Davao, pinasisibak sa pwesto ni Mayor Sara Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo September 05, 2016 - 08:58 AM

Mula sa Twitter acct. ni Fr. Jbhoy Gonzales SJ
Mula sa Twitter acct. ni Fr. Jbhoy Gonzales SJ

Nais ni Davao City Mayor Sara Duterte na matanggal sa pwesto sina Task Force Davao Chief Col. Henry Robinson at Davao City Director Senior Supt. Michael John Dubria matapos ang pambobomba sa Davao.

Ayon kay Mayor Duterte, wala naman siyang kwestyon sa kwalipikasyon ng dalawang opisyal.

Pero matapos ang insidente na ikinasawi ng labingapat na katao at ikinasugat ng mahigit animnapung iba pa, mas nais niyang magkaroon ng bagong opisyal at ideas sa Davao.

Dagdag pa ni Duterte, nakausap na niya sina PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa kahilingan niyang masibak sina Robinson at Dubria.

Ginawa ni Mayor Sara Duterte ang pahayag matapos ang pagbisita niya sa burol ng isa sa mga nasawi sa pagsabog, Lunes ng umaga.

 

 

 

TAGS: Davao bombing, Davao bombing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.