LOOK: Class suspension ngayong araw ng Lunes, September 5, 2016

walang pasokDahil sa nararanasang pag-ulan bunsod ng umiiral na Habagat, nagsusupinde na ng klase sa ilang lugar sa lalawigan ng Bulacan.

Unang nag-anunsyo ng class suspension si Marilao Mayor Juanito Santiago para sa nasabing bayan.

Ayon kay Santiago, dahil sa nararanasang masamang panahon, walang pasok ngayong araw, September 5 sa lahat ng antas sa Marilao, public at private.

Narito ang listahan ng mga lugar na nagsuspinde ng klase ngayong araw, as of 7:45 ng umaga, September 5, 2016:

ALL LEVELS:
Marilao, Bulacan
Meycauayan City, Bulacan
Abucay, Bataan

PRE-SCHOOL to SENIOR HIGH SCHOOL
Balanga City, Bataan

Sa pinakahuling abiso ng PAGASA, apektado ng Habagat ang buong Luzon at kabilang sa nakararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan na kung minsan ay may malakas na pag-ulan ang lalawigan ng Bulacan at Bataan.

 

Read more...