Davao City Government, naglabas ng P2M reward para maresolba ang Davao bombing

By Dona Dominguez-Cargullo September 05, 2016 - 06:44 AM

FB Photo | City Govt of Davao
FB Photo | City Govt of Davao

Naglabas ng dalawang milyong pisong reward si Davao City Mayor Sara Duterte para sa ikareresolba ng naganap na pagpapasabog sa night market sa Davao City.

Ayon kay Mayor Sara Duterte, P1 milyon na reward ang ibibigay sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng suspek, habang P1 milyon din ang ibibigay sa makapagtuturn-over ng suspek sa mga otoridad.

Photo from Karlos Manlupig of Inquirer Mindanao
Photo from Karlos Manlupig of Inquirer Mindanao

Inihayag ng alkalde ang nasabing impormasyon matapos itong bumisita ngayong umaga sa burol ng isa sa mga nasawi sa pambobomba.

Binisita ni Mayor Sara ang burol ng nurse na si Kristia Gaile Binson sa Cosmopolitan Funeral Homes.

Ang 27-anyos na nurse ay isa sa labingapat na nasawi sa pambobomba sa Roxas Night Market.

Naging private nurse ni Mayor Sara si Binson.

Sa kaniyang pahayag tiniyak ni Mayor Sara na sagot ng city government ng Davao ang lahat ng gastusin ng mga biktima sa pagsabog.

Hiniling din nito sa taumbayan na magka-isa sa pagdarasal para sa mga biktima at magkaisa laban sa mga teroristang grupo.

 

 

 

 

 

TAGS: 2M reward for Davao City Bombing, 2M reward for Davao City Bombing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.