LPA, binabantayan ng PAGASA sa Batanes; heavy rainfall warning, nakataas sa Zambales at Bataan

By Dona Dominguez-Cargullo September 05, 2016 - 06:39 AM

Isang low pressure area ang binabantayan ng PAGASA sa lalawigan ng Batanes.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa 240KM Northeast ng Itbayat Batanes.

Bukas ay inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang LPA pero hinahatak nito at pinalalakas ang Habagat na nakaka-apekto naman sa buong Luzon.

Sa abiso ng PAGASA, kaninang alas 4:00 ng umaga, nakataas ang yellow rainfall warning sa lalawigan ng Zambales at Bataan dahil sa patuloy na malakas na buhos ng ulan na nararanasan.

Habang mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Metro Manila at Bulacan.

Sa weather forecast ng PAGASA, maliban sa Zambales at Bataan, makararanas din ng monsoon rains ngayong araw ang Ilocos region, Cordillera Administrative Region, Batanes at Babuyan group of islands.

 

 

 

 

TAGS: September 5 weather, September 5 weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.