Sen. Alan Cayetano, kasama sa ASEAN summit

By Kabie Aenlle September 05, 2016 - 05:05 AM

Alan cayetanoKinumpirma ng Palasyo na kasama si Sen. Alan Cayetano sa delegasyon ng Pilipinas na tutungo sa Laos ngayong linggo para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na sasama si Cayetano sa delegasyon ng Pilipinas bilang Chairman ng Senate Foreign Relations Committee.

Gagampanan ni Cayetano ang kaniyang posisyon sa pagdalo sa mga bilateral at sideline meetings sa ASEAN Summit.

Matatandaang si Cayetano ang naging running mate ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2016 elections at isa sa mga lumaban sa pagiging Senate president.

Nakatakdang ganapin ang ASEAN at iba pang mga kaugnay na summits sa 2017, at tatanggapin na ni Duterte ang 2017 chairmanship sa ASEAN ngayong linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.