4 magsasaka, patay sa pamamaril sa Fort Magsaysay

By Kabie Aenlle September 05, 2016 - 05:02 AM

crime-scene-e1400865926320Apat na magsasaka ang nasawi matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang gunmen habang nagtatanim sa Nueva Ecija.

Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), naganap ang insidente noong Sabado sa taniman sa loob ng kampo ng Philippine Army sa Fort Magsaysay.

Kinilala ang mga nasawi na sina Gaudencio Bagalay, Baby Mercado, Violeta Mercado at Eligio Barbado, habang isang Angelita Milan naman ang nasugatan.

Ayon kay KMP chairman Joseph Canlas, nagtatanim ang mga magsasaka sa ilang bahagi ng 3,100 ektaryang lupain na sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program noong 1992.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.