Medialdea, ‘in charge’ sa gobyerno habang wala si Duterte
Si Executive Secretary Salvador Medialdea ang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte para pansamantalang mamahala sa gobyerno habang siya ay wala sa bansa.
Kinumpirma ito mismo ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar.
Nakatakdang umalis ngayon si Pangulong Duterte para tumungo sa kaniyang kauna-unahang foreign trip bilang pangulo ng bansa para sa Association of the Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Gaganapin ang ASEAN Summit sa Vientiane, Laos mula September 6 hanggang 8.
Ang pagbisita ni Pangulong Duterte sana sa Brunei na nakatakdang maganap September 4 hanggang 5 ang kaniyang kauna-unahang foreign trip bilang pangulo, ngunit dahil sa pagpapasabog sa Davao City, ito ay nakansela.
Pagkatapos ng ASEAN Summit, tutungo naman ang pangulo sa Indonesia para sa isang working visit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.