Mga tapat na airport workers, pararangalan

By Kabie Aenlle September 05, 2016 - 04:58 AM

naiaBibigyang parangal ang mga tapat na empleyado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos nilang isauli ang nasa P100,000 halaga ng mga gadgets, relo at mga pera na naiwan ng mga pasahero.

Pararangalan ang mga empleyado ng Philippine Airport Ground Support Solutions Inc. sa NAIA Terminal 1 sa flag raising ceremony ngayong araw.

Ibinalik ng building attendant na si Chrissie Muyot ang isang backpack na naglalaman ng P65,000 na halaga ng pera at gadgets na nakita niya sa isang upuan sa arrival.

Si Prince Louie Santos naman ay nagbalik ng isang wallet sa isang Taiwanese na pasahero na nakaiwan nito sa boarding gate, at ito ay naglalaman ng halos P34,000 na halaga ng pera na pawang magkakahalong Japanese yen, euro, Thai baht, Singapore at Hong Kong dollars at British pounds, pati na ang isang passport at ilang credit cards.

Isinauli naman ni Jeffrey Valenzuela ang isang silver wrist watch sa isang Saudi National na nakaiwan nito sa palikuran.

Makatatanggap rin ng parangal sina Michelle de Lara, Joanlyn Artiaga at Bill Martin Sandig na nagbalik ng mga relo at bag na puno ng mga damit.

Ang mga nasabing gamit ay nasa kustodiya ngayon ng lost and found section ng Manila International Airport Authority Intelligence and Investigation.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.