Duterte, nagpaalala sa posibleng pag-atake muli ng Abu Sayyaf

By Kabie Aenlle September 05, 2016 - 04:56 AM

duterte-3Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bayan na maghanda sa posibleng pag-atake muli ng bandidong grupong Abu Sayyaf, pagkatapos ng ginawang pagpapasabog sa Davao City.

Giit ng pangulo, una na siyang nagpahiwatig ng pagnanais na makausap ang grupo para sa kapayapaan, ngunit dahil sa ginawa ng mga ito, wala na siyang magagawa kundi ang iutos ang pag-ubos sa kanilang grupo.

Ayon kay Duterte, bagaman may mga kailangang isakripisyo, kailangang harapin na agad ang problema ng terorismo.

Kung kinakailangan niya aniyang kuhanin ang serbisyo ng Gurkha fighters ay gagawin niya ito para lamang maubos na nang tuluyan ang Abu Sayyaf.

Una nang sinabi ni Duterte na dapat nang pulbusin ang Abu Sayyaf matapos nitong pugutan ng ulo ang bihag nitong 18-anyos sa Sulu.

Matatandaang nagdeklara si Pangulong Duterte ng state of lawless violence ilang oras matapos ang pambobomba sa Davao na ikinasawi ng 14 katao at ikinasugat ng mahigit sa 60.

Sa pamamagitan ng deklarasyong ito, mas mapapaigting ang presensya ng pulisya at militar para magbantay at lumaban sa terorismo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.