UAE, niluwagan ang pagbibigay ng visa sa mga bisitang Chinese

By Kabie Aenlle September 05, 2016 - 04:53 AM

UAEPinapayagan na ng United Arab Emirates (UAE) ang pagbibigay ng visa sa mga bisitang Chinese sa pagdating nila sa mga paliparan ng kanilang bansa.

Mismong ang kanilang prime minister na si Sheikh Mohammed bin Rashid al-Maktoum ang nag-kumpirma sa kanilang bagong patakaran.

Bukod sa pagpapalakas ng turismo sa UAE, dinagdag niya pa na ang kanilang relasyon sa China ay “strategic and a priority.”

Bago kasi ang pagpapatupad ng patakaran na ito, kailangan munang makakuha ang mga Chinese na turista ng visa bago sila tumungo sa UAE.

Noong nakaraang taon, mahigit 14.2 million katao ang bumisita sa Dubai na pinaka-pinupuntahang emirate, ngunit ang kanilang target sa 2020 ay ang tumanggap ng 25 million na turista.

Dubai kasi ang magiging host ng global trade fair Expo sa 2020.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.