PNP, walang pang naaarestong suspek sa Davao City blast

By Isa Avendaño-Umali September 04, 2016 - 06:47 PM

Davao blast2Hindi pa naaresto ng Philipine National Police o PNP ang ilang persons of interest sa nangyaring pagsabog sa isang night market sa Davao City.

Paliwanag ni PNP spokesperson Senior Supt. Dionardo Carlos, patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan at hinahanap ng mga otoridad ang hindi bababa sa tatlong persons of interest na maaaring nasa likod ng Davao City bombing.

Sinabi ni Carlos na gaya ng naunang binanggit ni PNP CHief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, isang lalaki at dalawang babae ang persons of interest, batay na rin sa mga pahayag ng mga testigo.

Matatandaang sinabi ni Dela Rosa na posibleng ang Abu Sayyaf Group ang responsable sa pag-atake sa Davao City noong Biyernes.

Nagbabala rin ang PNP chief na maaaring umatake pa ang bandido sa ibang mga siyudad.

Kaya hinimok nito ang publiko na manatiling mapagmatyag at huwag mag-panic.

TAGS: Davao City blast, Davao City blast

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.