Pres. Duterte, biyaheng Laos sa Lunes para sa ASEAN summit

By Isa Avendaño-Umali September 04, 2016 - 05:39 PM

duterte2-0802Tuloy ang biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte patungong Laos bukas, September 05.

Ito’y para dumalo sa Association of South East Asian Nations o ASEAN summit, kung saan nakatakda siyang magkaroon ng bilateral meetings sa siyam na heads of government kabilang na sina US President Barack Obama at Japan Prime Minister Shinzo Abe.

Ayon kay Presidential Communication Secretary Martin Andanar, dahil sa pag-alis ni Pangulong Duterte ay si Executive Secretary Salvador Medialdea ang itinalagang ‘caretaker’ ng gobyerno.

Sa ASEAN summit na gaganapin mula September 6 hanggang 8, 2016, inaasahan na mauungkat muli ang territorial disputes sa West Philippine Sea.

Ilalatag ni ni Presidente Duterte ang key priorities ng pamahalaan ng Pilipinas, kabilang na ang pagiging drug-free ASEAN.

Sinabi rin ni Andanar na tuloy din ang pagtungo ng Pangulo sa Indonesia sa September 8 at 9.

Matatandaang kinansela na ni Pangulong Duterte ang nakatakda nitong pagbisita sa Brunei, dahil sa naganap na pambobomba sa Davao City noong Biyernes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.