Pres. Duterte, galit pa rin dahil sa pambobomba sa Davao City
Galit pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte, ilang araw makalipas ang naganap na pambobomba sa Davao City na ikinasawi ng labing limang katao.
Ayon kay Philippine National Police o PNP Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, inaasahang hindi agad-agad mawawala ang galit ng Presidente dahil sa pangyayari, lalo’t home town niya ang inatake
Sinabi ni Dela Rosa na matagal na niyang naka-trabaho ang Pangulo at alam niyang hindi madaling maalis ang galit nito.
Si Dela Rosa ay kasama sa cabinet meeting na pinangunahan ni Pangulong Duterte.
Ayon sa PNP chief, batay sa kanilang pulong, matagal na umanong inaasahan ng punong ehekutibo ang pag-atake sa Davao City dahil sa patuloy na military operation laban sa Abu Sayyaf Group sa Sulu.
Pero bagama’t galit ang Pangulo, sinabi ni Dela Rosa na hindi raw natatikim ng sermon o paninigaw ang gabinete.
Kumpiyansa naman si Dela Rosa na makakaganti ang gobyerno laban sa nasa likod ng Davao City blast.
Pasaring ni Bato sa bandido, “not all the time na sila ang suswertehin. May time na tayo rin ang suswertehin.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.