CHR, babantayan ang implementasyon ng State of Lawlessness

By Isa Avendaño-Umali September 04, 2016 - 02:09 PM

 

CHR LogoTiniyak ng Commission on Human Rights o CHR na kanilang imomonitor ang implementasyon ng idineklarang ‘State of Lawlessness’ ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni CHR Chairperson Chito Gascon na sa panahon ng krisis o terrorist attack, binibigyang kalayaan ang Ehekutibo upang maibalik ang law and order at para siguraduhing ligtas ang mga sibilyan.

Gayunman, bagama’t nasa ilalim ng State of Lawlessness ang bansa, iginiit ni Gascon na kailangan pa ring irespeto ang mga karapatan ng mga tao, at hindi dapat suspendihin.

Ipinaalala ng pinuno ng CHR na sa Konstitusyon ay may mga mekanismo upang maiwasan ang anumang pang-aabuso na lumutang, gaya ng pag-akyat sa korte at kakayahan ng Kongreso na talakayin ito.

At aniya, ang Constitutional bodies tulad ng CHR ay magbabantay.

Idineklara ni Presidente Duterte ang State of Lawlessness, makalipas ang karumal-dumal na pambobomba sa Davao City noong Biyernes ng gabi.

TAGS: commission on human rights, Davao City blast, state of lawlessness, commission on human rights, Davao City blast, state of lawlessness

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.