DepEd, humiling ng karagdagang pulis para bantayan ang mga paaralan sa Davao City
Mariing kinondena ng Department of Education o DepEd ang naganap na pagsabog sa Davao City night market na nag-iwan ng labing apat katao na nasawi at mahigit animnapu na sugatan.
Nakikiramay din ang DepEd sa naiwang pamilya ng mga biktima ng marahas na insidente.
Kaugnay nito, nananawagan ang kagawaran ng karagdagang bilang ng mga pulis na magbabantay sa mga paaralan sa Davao City.
Ayon sa DepEd, ito bilang pagtitiyak sa kaligtasan ng mga estudyante at maging mga guro sa muling pagbubukas ng klase bukas.
Kasunod ng naganap na pagsabog sa Davao City, pinayuhan ng DepEd ang mga guro at tauhan na mag-ingat at manatiling mapagmatiyag.
Hinimok naman ng kagawaran ang mga otoridad na gawin ang lahat para mapanagot ang mga nasa likod ng marahas na hakbang at tiyakin na hindi muling mauulit ang kaparehong insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.