Tatlong inmate, nakatakas sa Trinidad police station sa Bohol

Bohol_panglaoNakatakas ang tatlong preso sa Trinidad police station sa Bohol kaninang umaga.

Kinilala ni PO3 Geriper Cajes ng Trinidad police ang mga pumugang preso na sina Adelfo Cosino, Reynaldo Sayson, at Jason Bayonas.

Kasong may kinalaman sa iligal droga ang kinakaharap ng tatlong naturang inmate.

Ayon kay Cajes, nilagare ng tatlong preso ang steel grail ng bintana sa likod na bahagi ng police station kaya nakatakas ang mga ito.

Wala aniyang nakarinig sa mga naka-duty na pulis sa pangyayari dahil sa malakas na ulan.

Dahil dito, ipinag-utos ang hot pursuit operation at inalerto na rin ang mga kalapit na police station para mahuli ang tatlong pugante.

 

Read more...