VP Robredo, personal na nakiramay sa mga biktima ng pambobomba sa Davao City

By Isa Avendaño-Umali September 04, 2016 - 01:29 PM

VP leni
Photo c/o VP Robredo Media Bureau

Bumiyahe si Vice President Leni Robredo sa Davao City ngayong araw ng Linggo para personal na makiramay sa mga kaanak ng mga nasawi at mga sugatan sa naganap na pag-atake roon noong Biyernes.

Nagtungo si Robredo sa burol ni Evelyn Sobrecarey, isa sa mga masahista na dead-on-the-spot sa pambobomba; at SPO1 Jay Adremesin, isang pulis na nagpapamasahe lamang sa night market nang mangyari ang krimen.

VP leni 02
Photo c/o VP Robredo Media Bureau

Dumalaw din si Robredo sa mga sugatan na naka-confine sa Southern Philippines Medical Center.

Nauna nang kinondena ng Bise Presidente ang Davao City blast na ikinasawi ng labing limang indibidwal.

Sinabi pa ni Robredo na dapat managot sa batas ang mga nasa likod ng naturang terror act.

 

TAGS: Davao City blast, Vice President Leni Robredo, Davao City blast, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.