35 tao, patay sa banggaan ng bus at fuel tanker sa Afghanistan
Patay ang hindi bababa sa tatlumpu’t limang indibidwal habang dalawampu’t lima ang sugatan makaraang sumalpok ang isang pampasaherong bus sa isang fuel tanker sa isang highway sa southern Zabul province, sa Afghanistan ngayong araw ng Linggo (September 04).
Ayon kay Provincial governor Besmillah Afghanmal, naganap ang aksidente sa Kabul-Kandahar highway, sa Zabul district.
Karamihan aniya sa mga nasawi ay hindi na makilala dahil sa labis na pagkasunog.
Kabilang sa fatalities ay pawang mga kababaihan at kabataan na patungo sana sa Kabul para sa Eid holidays.
Patuloy na iniimbestigahan ang rason ng aksidente, subalit sa inisyal na pagsisiyasat, reckless driving umano ang dahilan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.