Amerika, may kinalaman sa Davao City blast ayon sa CPP
Inakusahan ng Communist Party of the Philippines o CPP ang Amerika na mayroong kinalaman sa pambobomba sa Roxas market, Davao City noong Biyernes (September 02).
Sa isang statement, sinabi ni Segfried Red ng Southern Mindanao Regional Party Committee ng CPP na malaki umano ang posibilidad na sangkot sa Davao City bombing ang Estados Unidos.
Ayon kay Red, ang terorismo sa mismong hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte ay isa raw ‘US-imperialist instigated attack’ upang masira umano ang punong ehekutibo.
Dagdag ni Red, nakikipagsabwatan daw ang Amerika sa mga ‘anti-Duterte forces’ upang ma-derail ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at mga komunistang grupo.
Bukod dito, sinabi ni Red na ang bomba na ginamit sa pag-atake ang kahalintulad ng bomba ng isang American intelligence agent, na sabit sa pagpapasabog s aisang hotel room sa Davao City noong May 2002.
Nauna nang nagpahayag ang Amerika ng kahandaan na tumulong sa isinasagawang imbestigasyon ng Pilipinas sa nangyaring pag-atake na ikinasawi ng labing limang katao at ikinasugat ng mahigit pitumpu.
Ang Abu Sayyaf Group ang sinasabing may pakana ng terorismo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.