La Paz, Agusan del Sur, niyanig ng 5.7 magnitude na lindol

lindolNiyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang La Paza, Agusan del Sur kaninang 10:38 ng umaga.

Sa datos ng Phivolcs, naitala ang lindol sa 6 kilometers Northeast ng La Paz.

May lalim ang lindol na 11 kilometers at tectonic ang origin.

Dahil sa nasabing lindol, naitala ang Intensity 4 sa Butuan City, Intensity 2 sa Cagayn de Oro City at Intensity 1 sa Kidapawan City.

Bukod dito, naitala rin ang Instrumental Intensity 1 sa Kidapawan City, Surigao City, Sarangani City at Bislig City

Bagaman walang pinsala, inaasahan ang aftershocks na idudulot ng naturang lindol.

 

Read more...